me ma post lang po
>> Monday, November 10, 2008
laTE ka na nAmaN!
>> Tuesday, November 4, 2008
- napuyat ng gabi so tendency tanghali ng gising
- nag set ng alarm sa cellphone yun pala pm ang nalagay instead of am
- nag alarm tapos tumawad pa ng tulog un nakatulog na ng tuluyan
- hays linis muna ko ng kwarto
- need ko ayusin mga gamit ng wits bago umalis
- la pa plantsado damit need ko mamlantsa
- need pa mag luto ng baon h ays
- walang shampoo need pa bumili sa tindahan
- walang tubig...igib muna
- brownout madilim sa banyo hanap muna ng kandila
- hays walng tricycle kaya hintay pa rin
- hays walang fx ...kanina pa hays../
- hays walang fx makapag bus na nga lang
- hays ang bus... hakot ng hakot ng pasahero kahit punong puno na
- hays sobrang traffic me nagbanggaan sheft naman o
- punong puno sa mrt di makasingit pang 6 na train ko na ah
- pag baba mrt need pa maglakad papuntang office... ang layo
- poor ka di ka pwedeng mag cab si susan lang ang nagca cab
- mag time in ka muna,,,naiwan ang id di alam ung log in id
- nagloko ung time in time out
- nasira ung pinto need ng original na susi di pwede rf
smells family noh...
halloween happenings sa earth
>> Monday, November 3, 2008
joyride?????
>> Tuesday, October 28, 2008
dreams
>> Wednesday, September 17, 2008
I just want to share this video from preaher in blue jeans by brother bo sanchez..i hope you can relate on this and i am sure that this will help you nourish your spiritual life..... GODSPEED che
Read more...it's payday! why don't you treat yourself?
>> Tuesday, September 16, 2008
excerps from gel's blog "eurolink dudes" -- gel says-che says
>> Friday, September 12, 2008
Gel says:
Tawanan, kainan, asaran, green jokes, laitan, kulitan diyan kami magkakasundo, magkakasama ang mga Eurolink dudes pagdating sa mga ganyan... pag kami ang nagtipon tipon walang dull moments. Ang mga Eurolink dudes ay binubuo nina (in alphabetical order)
Che - Ang nag iisang ina sa grupo... ang mapagmahal na ina nina Wits at ni MM, ang dancer ng grupo! lagi kami napagkakamalan na kambal kase magkaseng height kami eh, saka magkasing hugis ng body...Coca cola body (in can) ! hahahaha, di ba che? muntikan na ngang maging PASS ang pangalan niya kase pag turn nya na ang manlibre (kase every sahod kumakain kami sa Mcdo) laging pass, in fairness bumabawi naman. hehehe. Laging walang alam, kaya pala nakadalawa na siya na baby bwahahaha... si mama che kasabay ko dati yan pauwi sa north... minsan nagkwentuhan kami sa bus nyan, daldal ako ng daldal yun pala tulog na ang kausap ko tama ba naman yun? Kaloka di ba? hehehe peace che! gumanti ka na lang sa blog mo kung gusto mo pero tama ako di ba? nitulugan mo ako habang nagkwentuhan tayo? feeling ko tuloy boring ako kausap bwahahahaha...yan si mama che ang thoughtful at masayahin si mama pass, este che pala
Che says:
kalokohan mo gel,,, pero in fairness me katotohanan...di na ko pass ha..nakakahiya kase pag nag pass sige basta sa sahod na kahit di ko na maikain si wits hmmp... bale ngayon me pumalit na sa trono ko at mas malupit na... eto po si gelai ang tindi sa tulugan eto na ung gagamba ng eurolink...kase mahanginan lang tulog na..makakain lang tulog na.. malalaman mo yan pag ang client nya eh pasupport na sa akin hahahah log tu astig...sa katawan..hmmp defense mechanism nya lang yan...na peraho kame...gel naman tingnan mo sa salamin at mag survey ka ha...hmmp mas maganda naman katawan ko sa yo...it shows naman hehehe tingnan mo nga ung uniform natin order mo e small akin xtra small astig! majuva ka na gel pero in fairnes nahanap na nya ung mr. right.. si berto... she's lucky hope na tumagal sila at for real na...di ko na sya nakakasabay pa sm fairview kalungkot la na ako makakwentuhan ayyy...di pala...la na ako kasamang matulog sa bus.....nag lipat bahay na kase sya sa kanyang munting bahay bahayan... basta ang trademark ni mama gel ngayon si tulog..kase tulog ng tulog i pupublish ko soon ung mga compilation ng pag tulog nya at isa pa ila launch ko rin ung before and after ni gel..kaseng ibang iba na sya ngayon...astig! gel keep it up dude...nice a job( kidapawan petc)
Gel says:
Jefford - ang little cute boy na adventurous sa grupo ang 25 years old na parang high school student kase sa liit ng back pack este baby face kase eh hahaha, wala gf sa ngayun (pero bukas meron na)... maaga pumasok! maaga din kung umuwi hehehe..Birthday nya kahapon di naman lang nanglibre hmp! kuripot! Birthday mo, pacheese burger ka naman! Siya ang wala kasawa sawang magtake ng picture pag kami natutulog sa opis... kainis di ba? at di lang yan, one time nakaidlip ako, nagulat ako meron tumilaok, akala ko nanaginip lang ako yun pala si jeff... hehehe yan si jeff! ang tandang na nagkatawang tao!
Che says:
ahhh yan si jefford,,,uu tama ung sinabi ni gelai.. para ngang high school yan,,,naalala ko nung meron syang tshirt na green suot nya,.para syang boy scout heheheh... uu la sya gf ngayun bagong buhay daw charing! pero me special someone.. bday nya me utang pa sa min ni gel na libre yan kaya we'll wait na lang until xmas im sure naman sa xmas na un..kurips sa tropa yan pero sa jowa ewan ko alng..hehehe kuha ng kuha ng pic me photo gallery kase sya..hehehhe mabait naman if fairness at maaga pumasok ( traffic kase sa knila kaya maaga hehehe) techy din po sya lagi ako sa kanya tanong eh.. keep it up dude..
Gel says:
Kirin (Jigs) - si big dude kung tawagin namin yan kase...BIG! (ang alin?) sya naman ang nag iisang tatay sa grupo. Matalino, smart (not globe), mapagmahal na asawa (sabi nya) at masyadong "techy". Isasali na nga namin siya sa Mr. Fit N Right kase di na cya nananghalian ngayun kase conscious na cya sa kanyang figure... pero in fairness me pagbabago na sa iyong pangangatawan ah wala ka ng tiyan... ano pa ba??? wala na ako maisip ...
Che says:
uu si big dude yan... kase biggi fries sya... pero he's trying na mag loose ngayon kaya super gym basta pag ka out gym na kasama kahit mga gym mates nya eh mga juding... sige po gym ka lang... ingat lang dun sa katulad ng the final destination..di ba sui...??? bait din sya po.. tapos yan lagi nangongonsensya like nung sinabihan sya ni gel na " di araw araw pasko" bwhahahah dati kase lagi kaasaran si gel ni jigs pero ngayon lie low si big dude kase si gel katakot!!!(huhuhuh!)
Gel says:
next!Jonathan - Tan for short, Tanjo for wala lang.... ang singer at ang simpatiko sa grupo! simpatiko daw oh? Charing!!! Dati mabilis uminit ang ulo nya... lalo na pag nadedehado ang babae! Pero ngayun ang laki na ng ipinagbago, hayyyyz ang love nga naman! Warfreak..gusto lagi me binubogbog...hehehe iyon kung ipinaglalaban nya lang kung anong alam nyang tama. At eto pa kung maka english, bongga talaga, dudugo ang nostrils mo! bwahahaha. Siya ang "houseband" material, kaya swerte ang babae na makaktuluyan nito! Kaya girls ito ang number nya....0922828_ _ _ _..oooppssss ! Sori me "Beyvee" na cya! kaya hanap na lang kayo ng isang Jonathan Javines.
Che says:
uu me vee na yan si nalen insan ko nga kaya insan ko na rin sya..uu si tan apektado lagi pag me away sila...loves na loves si vee..tapos pag nasa tecavits na nag fu flush na heheheh.. si tanjo ang maalala ko lang dyan eh nung nag outing kase ginagaya nya si zanjo marudo sus...napaka "F" talaga heheheh..akala namin seryoso syang tao un pala barubal din bwahahahha... wag ka na head namin yan ngayon ...behave tayo ha...astig pala to lagi gusto ng away taga cubao kase sya heheheh astig... pero bait din sya...hehehe
Gel says:
Susan - Ang Rockista na paedumure epek! Ang Sui na mapagmahal at maalalahanin sa kanyang mga siblings... at bongga magregalo sa kapatid cellphone, astig di ba? Pero tama na ang papuri laglagan time, ang magandang babae, laging me halak hahaha....Ang laging late pumasok dito sa opis, andito na lahat ng bosing siya nasa biyahe pa lang ..hayyyyz! Kaya tinagurian ko siyang "The Late Sui" hahaha..galit na galit sa akin ang bruha! Lagi yan nanglilibre, dami kase raket nito eh saka siya lang madaming pera sa amin..kaya lagi nag share her blessings...Sui maya ulit ha? At ito pa akala nyo kami lang ni Che ang mahilig matulog? Nagkakamali kau...pasimple din ito kung matulog, dilat ang mata.Peace sui, maya wait ka namin ni che pero libre mo kami ha saka lagi ka mag cash advance sa HSBC....hehehe
Che says:
uu nga si sui ang babaeng me halak...hehehe katakot! uu lagi libre lalo na pag trip nya hehehe.tnx san sige hintay ka na namin mamaya... si sui ay isang taong part time lover daw sabi nya sa pwenster nya basta pag gusto lang nila ni bakat un lang..lang commitment..si sui nakilala ko bilang isang tao na laging nag sisign language habang nagsasalita..gets? hehehe uu malamang isa syang guro sa school ng mga pipi (heheh) at kapag nakita ko un ginagaya ko kaya natatawa na lang sya..emo look na sya ngayon emoticon kase sya...at abangan nyo rin ung i la launch ko na blog... ung katulad din ng kay gel ung before at after heheheh ibang iba na rin po sya ngayon..kung dati na kamuka nya so nyoy bulante..ngayon iba na sya girlalush na po sya.. emo emoticon na po sya ngayon... rock on san... libre mo kame mamaya...sya nga pala si shaun the sheep ngayon di ba san....
Gel says:
Venz - ang lalaking ang hilig mang arbor ng mga jackets ko, hmp! kaya ayaw ko na mag iwan ng jacket dito sa opis kase pag nakita nya at nagustuhan dadalhin nya na sa kanila tapos di na sosoli, hmp! Pasimpleng pabling din ito si Vivencio Apa-ap eh...akala ko nung una, walang alam sa mga babae, yun pala parang damit kung magpalit hahahaha, Astiggggg! Kaguapuhan!
Che says:
uu si venz, inarbor nya rin ung bonette ko eh kaasar.....astig na yan ngayon...bsta super astig..uu astig madaming jowa si red ribbon..at isa pa ung mga madadatung ung mga jowa at mahilig sa bata (child abuse to hehehe).. akala mo napaka seryoso barubal din pala
Gel says:
Mga walang kwenta mga tao nga yan, joke! hehehehe pero jan kami nagkakasundo dahil sa mga kababawan namin, nagiging smooth ang work, walang hassle, di mararamdaman ang pagod pag kasundo mo ang kasama mo sa work at the same time magkakaibigan kau... "walang laglagan" yan ang motto ng mga EUROLINK DUDES!
Che says:
uu nga mga walng kwenta kaya nga tagal na namin dito magiging antique na kame heheheh kaya walang mag move on ng work dahil sa saya dito hehehhe eurolink repapips: rock on! move on! on the rocks! let's get it on! walng tablahan ha... walng iwanan sa ere... "astig",,,,"watever"
Read more...so blessed to have them...
My kids.... The little one is MM (Kent Marcus) and the other one is Miko (Kian Carl Miko). These two boys are my greatest blessings in life. GOD's blessings, that's why i'm so thankful having them. Promise to give them everything in life and raising them well to the best that i can..emote mode(heheheh)
RainY daYS and Mondays always get me down....
>> Thursday, September 11, 2008
Day 1:
Ilang araw na umuulan monday pa lang umuulan na bakit kaya la naman napipintong bagyo, why is that so.. ang dami tuloy nangyayari na kakaiba pag umuulan. Ayoko ng umuulan ngayon, ang hirap kase at nakakalungkot,pero sa mga tambay masarap ang umuulan,kain tulog pagkatapos kain tulog ulit. Madami kase nagaganap pag umuulan.. like nung monday late ako ng 24 minutes kainis, tinanghali kase k0 ng gising late na rin kase ako natulog kaya un. After office,, umuwi na ko kaagad, mega sakay tapos un bumuhos ang malakas na ulan... san ako nakasakay? sa ordinary bus,,kailangan eh nag titipid kase ko wat a joy ride bago ung bus pero anetch ka pag dating santolan mega lock ang konduktor, ganun pala un pag umuulan super lock at sobra ang traffic so ang lola mo tulog,,life must go on tulog tulog....mamaya nagising ako... at bakit ka mo? tumatagaktak ang pawis ko,.as in tumutulo... at kasabay pa nito ang pagtulo ng pawis ng katabi kong napaka taba... tumutulo ung taba nya ha yuck. at feeling pa sa knya lang ung upuan! parang gusto kong sabihin... haler.. bale pang dalawahan to... so mega galaw at likot na lang ako sa upuan..la pa rin epek dun sa katabi ko..bwaaaaaaaaaaaah so tulog ulit tulog... la pa ba ako sa babaan ko.. hays ang tagl ng byahe pawis na pawis na ko so me kuhanin sana ako sa bag ko.. hala wla pala...wala dun ang aking mahiwagang panyo..bwahhhh pawis na pawis na ko sa bus...so ang kaawa awang tissue isang ply na isang 3ng piraso lang so un na lang pinunas ko...naalala ko tuloy ung sa patalastas ng diatabs ung tiket ung pinang ano nya..hays kawawa naman... ang tagal ko sa byahe ilang oras na ko bago nakauwi shet talaga dapat nagpagabi na lang ako kase super late din naman ako nakauwi... hays shet talaga o...
Day 2 rainy days..
2nd day na umuulan pa rin araw araw na lng...so maaga pa lang nagluto na ko hays...tapos alis na ko.. eto ung fx hinabol ko pa..pag pasok ko hays dami pa bakante..so hintay hintay..un ang dmi ng dumaan di naman ako bumaba...parang naawa ako sa lolo driver..kaya stay pa rin.. hays ala 7 sa mrt ako shet ang time ko 7 dito pa ko..so nakipag siksikan ako sa mrt.. eto pa dpat me space pa na mauupuan.. eto na... me dalawang babae magkatabi.. sabi ko sobrang attach naman tong mag best friend na to harapan pang makipag kwentuhan.. aba maya maya me pag ayos pa ng buhok.. tapos mamaya titigan.. tapos mamaya ayyyy nag kiss... bwahhhhhh mag shota pa lang babae..shoocks... di pa nakontento kase tumitingin ako sa upuan nila kase me space pa eh magka harapan ba naman sila parang magpopropose ng kasal...shet talaga..gusto kong sabihin... "bale pwede pa kong umupo dyan" kaso napansin nga ng isang girl na gusto ko umupo.. alam mo ba ginawa... dumantay sa shoulder ung isang girl at nag tulog tulugan sila..kainis talaga... baba na ko tapos pasok na..hays usual late na naman.. ayoko talaga pag umuulan sus.. so sa aking pag ba browse...tumunog ang cellphone " tit" beep once lang kase eh... "che uwi kame ng bulacan".. Si dada wits nagtext uuwi daw sila.. so sabi ko sundo ko na lang sila sa pasay. excited kase ko makita si wits... so pag dating ko 1 hr late ako 5pm pa sila nandun... ang bagal kase ng mrt. so un kumain kame sa ado(mc do) 7 na so we decided na umuwi na ..sa mrt cubao...nakita ko...shet umuulan... sabi ko kay dada da hirap sumakay sa kamuning.. sa quezon ave na lang tayo.. " dun na tayo sumakay kase pag baba mo me byahe na pa sm fairview meron nga din byahe dun na francisco basta ala 7 meron na, so pag dating q ave ang dami tayo... labas kame mrt pasok ticket...Ticket rejected " sus dedma alis pa rin...pag baba namin ang dami tao at eto pa ung tubig sa me hagdanan talagang umaagos parag falls na maliliit. so ang wits enjoy pa rin sa pagbaba..dami ng tao kaya sabi ni dada wits sakay na tayo kase mamaya mas madaming tao..so lakad kame pag dating sa sakayang ng fx..ayaw kame papasukin... sabi ko di ba dyan ang sakayan..ay wla na maam dito dun na lang... so lakad kame ni dada wits at ni wits hays... ang baha so basa aketch tsaka si dada si wits na lang ang me payong ang layo pa la pa rin pila ng fx so silong muna kame sa shade..sabi ni wits..wawa naman ako ma hayss naawa ako kay wits basa pa ung shoes nya..wawa naman... pila nga ako sa pilahan ng fx kaso ilang oras na la pa rin..ang ending... sakay kame ng jeep..hays... sabi sa kin ni wits..it's u fault..heheheh anak it's yours hindi u hehehe sabi nya its your fault...aray natamaan ako dun.. hays... malaki na ung baby wits ko... ano na kaya to pag binata na... nakadating kame ng mga 10 na ng gabi..sus puyat na naman/....
3rd day:
maghapon na naman bumubuhos ang ulan..parang ung tingin dun sa labas eh the day after tomorrow so still... work. work and work... nung uwian na tumigil na konti ang ulan.. so ready na ko pauwi..tong gelai pareho pala kame ng payong..akala nya ung sa kin eh sa knya...so pack up na..un baba na kame ng elevator...Gyadan! pag dating sa labas nakita ko si gel nagpayong..sabi ko..uy gel payong ko... sabi nya akin to...bwahahhh naiwan ko ung payong ko...akyat ako pag balik ko la na mga guys..ang ntira si sir francis... pero di ako pahalata na me naiwan ako..sabi ko sir.. umalis na sila..oo daw... un so baba na ko kuha ko na kse ung payong... lakad lakad... tapos nakita ko sila sa free taste ng lipton... so sila inom inom dun./..syempre ako nakikuha rin ako ang tagal tagal ng babae mag lagay..tapos wait nila sko pag mamadali ko natapon ung milk tea sa kamay ko .......wahhhhhh sakit pero life must go on walk pa rin kahit natapunan sa kamay.. so dapat carry pa rin... so un.. nakasabay ko pa sila..nag taipan pa kame..tapos un uwi na bus ako.. binalak ko na mag aircon bus.. kase baka mangyari sa kin ung dati..hays.. ang pucha..di umulan... pero in fairview.. nakatulog din ako sa bus.. dahil mejo comfy..pero ayoko na mamaya mag ordinary na ulit ako joy ride ang mahal ng pamasahe kase 70 so un... ...today pa 4th day na ng pag ulan... hays i must expect the unexpected coz were living in a big big world.. basta stay happy kahit dami ngyayari na panget... i would like to thanks to repapips esp. gel and susan na kasama ko sa tawanan..ang plastik ko noh..tama na to bukas sana maging maayos ang tag ulan...haba noh..la lang i just want to share..
thanks for reading......
excerps from gel's blog came from the greek word "antok shet!!!!"
>> Monday, September 8, 2008
We'll i just want to share you our video, this is really fun hahahaha,,nakakatawa talaga eto ung mga panahon na antok na antok kame,,, basta tuwing kakain...kaya nga ako pag nararamdaman ko na na aantukin ako at makakatulog guto ko lagyan ng palito ng posporo ung mata ko dahil im really sure na merong kukuha ng pic at si jefford yan..bale etong file na to eh naipon nya sa aming pag idlip kahiya hiya man eto ung naging resulta... pero ang pinaka madaming pic dito eh si gelai..sya po ung master sa kaantukan dito.. kahit saang office.we have our 3 offices and lahat un eh natulugan nya..hehehe tabi tabi po gel ganyan katindi si gel.. si sui naman nagmamalinis po yan kunyari di natutulog pero un huli ka balbon! caught in the act pa with matching kurap ng isang mata. makikita mo dyan... ung sa kin i would say na excuse un hehehe jonts kase ko nung later part ehhehe defense mechanism ... pero ngayon malupit na ako kesa sa 2 hehehe..si gerald la un extra lang un me mailagay lang dapat kame na lang 3 noh..bayaan mo edit namin tong video na to..basta everytime na makikita ko to eh natatawa kame... hahahhaha ... basta ung me pinaka madaming picture sya ung bida heheheh...and it goes with something like this....
hahahaha dapat si gerald di kasali dito hahhaha...gel rocks... sui pa simple pa kita isa mata...:))
babi bday mama mary
September 8, this is Mama Mary's bday...hapi bday mama mary:-) alam nyo ba ka blog na dapat ito ang aking bday..sana magka bday kame ni mama mary...kaso nga lang eh maaga ako lumabas... kase immature baby ako ...ayyy premature pala.. nung high school ako treat ko ung date na to as my 2nd bday..kase nga dapat ngayon pa lang... pero as time goes by.. tinanggap ko na sa sarili ko na this is not really my bday and im not destined to have this date as my bday...nagmamaganda lang po ako... bday pala ni vivencio hehehe babi bday venz...
Read more...LANGGAM PALA IKAW!
>> Thursday, September 4, 2008
Isang araw,,,punta ako sa tindahan ni aling nena para bumili ng suka eeeeeeeeeennnnnk! hey yo waz up... after work, nag window shopping galore ang lola mo. then gabi na umuwi.. sa kahabaan ng traffic sa edsa...lutang isip, kung ano ano ang pumapasok sa isip, but im fine, mo,ordinary lagi... di agad ako bayad cubao na ko bayad para knti lang pamasahe..hehehe quiet dapat nga di na ko magbabayad eh...kaya lang nakonsensya ako ... pag uwi sa bahay natural, ngarag ang lola kain tapos movie marathon, pag pasok sa kwarto tulog,, eto na pag dating ng 2:00 ng madaling araw,..nagising ako... bakit? parang me maingay sa tenga ko... ang tagal ang sakit sa tenga ang ingay.... naisip ko ..." ano ba ininom kong gamot" shit na overdose ata ako... kase parang nabibingi ako eh... cotton buds ko nga...shit andun pa rin,,, bakit ganun... alam mo ginawa ng lola mo? pray over ko nga ung tenga ko "Lord sana mawala na to, ano po ba to ang sakit sakit" ang utak ko ngayon gumana.. nilagay ko ung breast pump sa tenga ko ng pump ko ng ilang beses... un dumantay ako sa aking unan...heheheh mya mya parang me nararamdaman ako na gumagapang..pero di ko na pinansin... hanggang sa mawala sya/... kinabukasan sa office.. tinanong ko si gelai.. gel naranasan m na ba mapasukan ng langgam... etong gelai "Oo maingay un.." un langgam pala siguro ung pumasok sa tenga ko.. so disgusting nakakainis....pano nangyari na nagkalanggam ang tenga ko...1.nabagsak kaya ito galing sa kisame.. 2. nagwalking galore ito papunta sa tenga ko 3. nilalanggam ang tenga... shet talaga ...napuyat ako sa langgam na yan...na late tuloy ako ng 45 minutes... nag padagdag pa sa inis ko ung driver na siningil ak ng 50 simula sa min hanggang mrt..bwakaw..kung di lang ako antok siguro nasabon ko na ung driver.pag dating ng mrt..sus punong puno...ang haba ng pila... tapos antok..gutom sa byaHE...shet makaalis na nga dito..nag fx ang beauty tinanong ko pamasahe...35 shet ang mahal kung nagtyaga ako sa mrt 12 lang pero in fairness,,. nakaratng naman ako ng mas maaga kase kung sa mrt siguro `1hr ako dun... nakakainis... nakakainis talaga... sana me mangyari maganda mamaya.... celebration ng bday ng repapips namin... papakasaya ako.............to be continued.....
Read more..."long week end and the wits!"
>> Friday, August 15, 2008
...."BOYFRIEND MO KO DI MO AKO TROPA"
>> Monday, August 11, 2008
hi chuvaness ever churva... blogness chuvanes watsoever pwertes... nakikinig ako ng LET IT BURN by usher..la lang nakaka relax lan g kase pag naririnig ko to,..la lang... basta iba ibang songs araw araw basta trip ko,, masarap lang mag reminisce pag nag so sounds ka... la lang gusto ko lang i share yung isang line na lagi kong naririnig "BOYFRIEND MO KO DI MO AKO TROPA" la lang in my past life... at kahit sa present di ko maikakaila na ang pagigigng friendly friendly churva ko eh nagiging malala.... kase pag kaibigan ko talaga kaibigan ko talaga...bsta lahat ng friend ko tropa talaga ang gulo noh..la lang...naisip ko lang na pag tropa ko importante talaga sa kin ..gusto ko lagi ako nandun... bumabangka...heheh wat a term la lang gusto ko lang sila pasayahin sa mga insights ko.... at mga idea ko na gusto kong i share pero kasalanan ko ba kung matawa sila... basta dati.... mas mahalaga ung tropa ko... at dumating na nga ung time na mas mahal ko pa ung tropa ko kesa sa boyfriend ko... at ung pakikpag deal ko sa bf ko eh parang tropa ko.... kaya nasabi nya...."BOYFRIEND MO KO DI MO AKO TROPA" ano yon ?parang nauntog ako..oo nga naman boyfriend ko sya at so unfair kung kung t treat ko sya na parang isang tropa lang,,, ano ako magbabago para sa yo? eto ako... di ko kailangan magbago for you dahil nakilala mo ko ng ganito ako... pero sa aking opinion mas gusto ko na ganun ung treatment ko sa loveone ko kase in that case at ease kayo sa isat isa....di kayo magkakailangan.... pero on the other side pangit nga naman na matatawag mo ung bf mo na pare.... tapos mag ka jam kayo sa inuman.. pare shot ..kaw na... ang sagwa noh..pero it happened.... kaya eto na naman... ...."BOYFRIEND MO KO DI MO AKO TROPA" hehehehe ewan ko ba sa sarili ko...para kase akong adik... hehehehe praning.... kaya this guy...i really give up on him... ibig sabihin mas mahal ko ung tropa ko kesa sa kanya.... hahahah it happened din kase na he's being immatured eh... at gusto ko ang magiging kasama ko sa buhay eh eh kaibigan ko rin dahil dadating ang time na tatanda kayo at your be needing a friend, a companion, and a loveone.. i believe na magtatagal kayo kung di lang kayo lovers but the same time magkaibigan din kayo... and i really thank GOD that i have one... si dada wits... my boo, friend, companion, my love forever.... and i wanna grow old with h im..... kaya im gonna thrown up the term ...."BOYFRIEND MO KO DI MO AKO TROPA" dahil i found my love and my friend.........................:)
Read more...im back..but
>> Wednesday, August 6, 2008
"sa wakas...pero...." wushu...sa wakas! after a long time,,nakabalik na ko .... matagal tagal din ako nawala sa sirkulasyon.... hapi ako dahil makikita ko na mga repapips ko.." hey you waz up..dito na me wer na u..." buti na lang nabola ko ung mga bossing na man libre... un dali daling nagpa deliver... bogchi!... kapal ng mukha...tawag ng kagutuman...nabusog ang mga pg co worker ko...heheh im one of them....PG....sarap ng pizza naka 4 na slice ata kame ni gelai..si sui konti lang alam mo naman un so slim.... slim shady kase sya.... speaking of sui..grabe...nagbago na sya..emo emo...emoticon na japorms..nakakagulat ang dating one of the boys..naging girlalush, tapos ngayon emoticon look..hays.... grabe... si gelai naman sus..un inlove pa rin kay boy chops...napakataba...yes...mataba na sya sa kin.... sa wakas...kung dati ako mataba...ngayon sya na...bwahahhaha bwahahaha.... si tanjo at jeff ganun pa rin... tanjo inlove pa rin sa bestfriend kong si ana..jef babaero pa rin hanep man chicks lagi naman broken hearted...why is that so...si jigs absent as usual...hehehe di excuse naman kase binyag ng anak nya... si sir..un nanlibre ng coke... the other guys...un ganun pa rin same pa rin sila... si venz nga pala pinaka una na nag ym sa kin,,,,nahuli ng mmda...hehhehe..tska ung me malaking monitor dito,,, si nelson un nandun pa rin sya ,,,,,,,,dude namiss ko kayo lahat...mga kalokohan nyo hehehe... on the other side of the earth...malungkot ang lola nyo... at bakit ka mo?, dahil naiwan ko ang mga wits ko dun...2 na silang wits... yun mga cutie cute cute (mahal kaw ba yan?)mga anakis ko un dun mga pare..kawawa naman sila... buti na lang nandun ang aking dadi wits.. si dadis.... at ang aking ina,,,,mahal kong ina..isa na akong uliraning ina...grabe... hirap maging mom...ganito pala un..,,, grabe...pero fullfilling naman pag nakikita mo ung mga anak mo.. lalo na at kung kamuka mo sila... parang nakikita mo ang sarili mo sa kanila.... yun na lang regalo mo sa sarili mo sa lahat ng mga sacrifices mo..." shet" mom na talaga ako..nag bago na ko...talagang nag bago na.... sheft!..... kung dating patambay tambay lang... at bisyo bisyo lang ngayon isa ng uliraning ina... hays..gusto ko na silang makita dapat dito na lang sila..pero dahil kay wits... sa pag aaral nya... nandun sila...hays! wits sana maging maganda na aral mo... pero natutuwa ako talaga sa kanya kase nakiki cooperate na sya sa school kase nung nursery sya..he's such a brat! papasok naka naka civilian...tapos ung polo isusuot lang ng di naka butones.... at me kasama pang secu... sino itech...walng iba kundi si inay..akalain mo nagbabantay sa pinto ng classroom dahil po ito sa aking makulit na anak... nakakahiyang tuloy sa ibang mothers... take note ung mga mothers na un ka berks ko na sila...hehehee...kase hatid ko si wits nung wala pang pasok... kasama ko sila luto sa feeding at chikahan at chismisan hehehe masaya rin naman madaming chikadora. asan na ko,.,,,un..kaya di na rin sya naka continue ng nursery buti na lang kinder na sya ngayon kase matalino like mama hehehe...buhat sariling bangko... nakakabsa na sya...hays.... me ipunan kame ng star para sa mga very good nya...nililista nya lagi..para sa reward nyang toy... si james ung sa thomas... at ung pokemon....ok na wits .. siguro na rin sa pag eencourage namin ni dadis kaya sya pumasok.... hay naku kung pwde nga lang di work si mama... si mama hatid sa yo wits...hay kalungkot... si mm pa kawawang nilalang..nawalan ng dudu ng cow... di daw makatulog ang aking bagong wits.. kase naiisip ni mama wits... ang sakit na nga ng dudu ng cow..hays.... mis ko na kayo... sana makauwi na ko...ano kaya mangyayari sa susunod na kabanata...sana maging maayos na lahat...through GOD's help.... hay...nakaka homesick na...(nasa abroad??) ayoko ng ganito...sana maging maayos...lungkot ako super lungkot.................hayssssssssssssssssssssss.................
draft