halloween happenings sa earth
>> Monday, November 3, 2008
Tapos na naman ang holiday,,ang holiday na bitin,,,all saints day and all souls day...ang bilis bilis parang dumaan lang basta.pero ok lang atleast nabisita ko ung mga kaanak na yumao na. sumalangit nawa ang kaluluwa nila.... Sa aming village heheheh sa aming baranggay madami ang nangyari ng panahong ito.
I. Isa na ung namatay ung pinsan ni dadi wits na naka base sa saudi arabia.. ngunit di pa ito naiuuwi dahil sa madami pang clearances...kalungkot for the part of his family kase habang nag iiyakan sila ay di pa rin nila nakikita ung bangkay ng asawa/tatay nila. At ang latest ay aabutin pa daw ng two weeks bago maiuuwi ang bangkay nito. Hays. dati na kase sya nag pa tingin sa doktor at ang sabi na me isang ugat na once pumutok ito ay magiging sanhi ng kanyang pagkamatay... at eto na nga dumating na ung time na yun... Umalis pa kase sya kase dala na rin ng pangangailangan dahil ang kanilang anak lahat ay nasa kolehiyo pa lamang.. isa pa lang ang gumagraduate... tapos ung isang anak eh 3rd yr tapos nag shift ng course at naging 1st yr ulit..back to zero. Hays kalungkot..ayaw na sana umalis ng taong ito ngunit dahil sa anak nila ay umalis pa rin sya..sabi pa naman nya bago umalis eh dun na daw sya tumanda... at iniiwasan ng mga anak nya. parang ung" balikbayan box" na palabas hehehhe. Naisip ko tuloy ang tatay ko somehow na nasa ibang bansa din. we never know di ba..kaya ang lesson dun..habang andito pa at nabubuhay ang iyong mahal sa buhay dapat ipakita mo na na mahal mo sila at ipakita mo ung mga bagay na ikakasaya nila at n ararapat sa kanila. Dahil di natin alam kung kelan talaga tayo tinakda na kuhanin ng Diyos at tawagin ng kalawit ni kamatayan...
II. Nov. 1, 2008 araw ng mga patay... ung sa tapat na bahay namin at family friend na rin... namatay na...kalungkot..biglaan ang kanyang pagkamatay dahi sa kanyang pagtitirik ng kandila ay bigla na lamang syang natumba at lumaylay na ang kanyang kamay... dinala pa ito sa ospital ng tagaytay ngunit nirevive pa pero wala na talaga patay na sya... ito ang naging usapan sa emerald shine na binalita naman ng nanay ko..habang ka text ko ang nanay ko ay bigla na rin nagdatingan ang mga kaanak ng namatay,,makikita mo sa owner na sinasakyan nila an dun ung mga apo nya... nakakatawa ung owner jeep na sinakyan nila ang daming sakay... matatawa ka pag pinag masdan mo na bumaba dahil nagkasya dun ang halos 12 na sakay sa owner yun ha... although sad sila ay natawa ako..back to topic..kalungkot lang dahi di mo talaga alam kung kelan ka kukuhanin dahil napakasaya pa daw nila nung mga nakaraang araw at balak nila mag videoke ng nov 1. hays sa init na rin siguro ng panahon kaya na trigger at nagdulot ng pagkamatay nya..isa na rin daw reason ayon sa mga chismax na kapitbahay ay ang anak nya na sumama sa ibang boylet sa kabila ng pagkakaroon nya na maayos na pamilya. meron syang anak at nasa saudi ang kanyang asawa...pero dahil sa kantang "napakasakit kuya eddie" ni freddie aguilar yun...nanlalaki sya... me mga reason daw kaya sya nangyari sa kanya
a. ginayuma daw sya- hehehhe ito ang defense mechanism ng mga nahaharap sa ganitong sitwasyon pero somehow naniniwala ako na hindi pero sabi ni dadi wits di daw sya naniniwala sa gayuma... kase napaka maaskikayo nya sa pamilya..ulirang ina talaga.. as in... tapos naging campaign manager sya ng taong ito.. ung naging kabit nya tapos un na ginayuma daw.....sa tingin nyo ginayuma sya...?
b. tawag ng laman dahil malayo sa hubby kaya naghanap ng ibang boylet...hays tarush ang boylet kamukang devil...ewww..
c. di nakuntento sa financial na budget kaya need ng extra racket...mali nga lang naraketan nya alam mo ba na pang 50 na daw sya nitong asawa... matinik talaga ang gayuma nito... totoo nga kaya ang gayuma...
hays whatever reason na meron sya pabayaan na natin sya..kiber.... di tayo ang me katawan.... ang sad part nga lang eh tinakwil sya ng kanyang mga anak di na sya kinikilalalng mother at pag duma dalaw sya... deadma lang sya,,, kawawa kahit anong pera, grocery at mga damit ang bigay nya deadma pa rin sya....dahil galit na galit mga anak nya ( sabagay di pa siguro panahon kase fresh pa... at kung umagwat na sya dun sa kabit siguro patatawarin sya ng anak nya eh hindi eh patuloy pa rin sila) somehow nakaka awa sya noh... at sabi sya rin ata ang kinainit ng ulo ng nanay nya bago mamatay kase dumalaw ata sa puntod kasama ung kabit.. pero sabi nya humingi na nga tawag sya last 3 days kaya lang di sumagot ung nanay nya.... pag dating nya sa buro l ng nanay nya...iyak sya ng sobrang lakas.... kaya lang wala ni aninong kamag anak ang lumapit sa kanya...nag iisa sya dun sa loob ng bahay ng nanay nya habang ang mga kamag anak ay nasa labas...sad noh....
opinyon ko lang sana sa mga panahong ganun ay matutuhan na nila na patawarin ang isa't isa at mag move on na sila. ang pangit naman kung habang buhay sila mag kakakaaway. dapat na rin na ituwid na na nung babae ung kanyang kamalian...hays... at isa rin lesson na mapupulot dito..katulad ng nasabi ko..habang buhay pa ang mahal mo sa buhay ay ipakita mo ang nararapat at pagmamahal sa kanila.. at araw araw na humingi ng tawad sa Diyos.. para pag kukuhanin ka na ay at least naka hingi ka na ng tawad sa Diyos.... lesson talaga to at dapat iapply sa totoong buhay.... hays.... kalungkot kaya dapat mahalin mo ang iyong mga kaanak lalo na yung pamilya mo.. dahil we really never know kung kelan tayo kukuhanin...happy halloween ang God bless!!!
0 comments:
Post a Comment