ketsup ni dolphy kay panchito

>> Wednesday, June 10, 2009

sinasabi ko na nga ba at mag b blog si gel.. kaya uunahan ko na sya na ma post itong blog na ito... kagabi pa lang habang ako ay nasa bus... iniisip ko na uunahan ko na mag blog si gel... dahil sa masamang pangyayari kagabi... ngayon ay birthday ni gel 610 kaya ung pera na na kay tanjo ay ginastos muna namin para kami ay makapag mcdo.. so un sarap na sarap kame sa pagkain.... at ako ay busyng busy sa pagkain ng fries ko.. walang ano ano ay may biglang parang nahagis sa aking mukha... at napatama sa aking mata, ilong basta sa mukha ko.. bwahhhhhhhhhhh ayoko tumingin sa kalayuan dahil mas makikita nila ang karimarimarim kong mukha.dahil ito sa kapabayaan ni gelai na di mapalabas ung ketsup..tama ba naman diinan ito at ang epekto ay ang pag punta ng ketsup sa mukha ko at sa aking polo shirt...bwahahhah di ko alam kung ako ay matatawa or maiinis..buti na lang at sports ako kaya nakuha ko n alng mainis...ay este matawa pala heheheh habang pinupunsan ko ung mukha ko gamit ang panyo at tissue nila ay gusto kong maiyak heheh pro sa katatawa.. naisip ko na lamang na me ganito pala sa totoong buhay... si gel bilang si dolphy at ako bilang si panchito... si gel si jerry at ako naman si tom.... hahahahah kaloka... feeling ko ay kapag nag stay ako sa lugar na un eh baka langgamin na ako... puro ketsup hmmp... di na ko makatingin sa ibang tao at maging kay tan at kay mama bear... at eto pa si jeff sa video nya pa ha... oist wag mo labas yan ha...nakakarimarim yan hahahhaha... kaya sa halip na mag stay pa at mag kwentuhan sa mcdo e nag aya na kong umuwi hmmp... eto pa bilang ganti ay inaaya pa ako ni gelai na matulog sa kanila hehehhe la daw sya kasama pero ayoko sabi ko pinisitan nya ko ng ketsup tska isa pa ay di pa rin ako ready na matulog sa knila la ako towel at kumot..kaya umuwi na kame... luhaan at naglilimahid sa ketsup hehehe joke... uy gelai next time wag mo gagawin yan ha pano kung si sir____ ung mapisitan nyan o ung ibang tao... lagot ka.... ( kahilo...naamoy nyo??? ) o sige alam ko naman na siguradong me post si gelai tungkol dito.,...please disregard hehehhe.... o sya sige bye.. special mention kay gelai...mag pa sorry ka naman hahahhaha joke ...bye na birthday mo naman ngayon...kaya pagbigyan./...di ako galit hahahah nakakatuwa lang... panchito is in the hauz,,, bye!

Read more...

Lorem Ipsum

Followers

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP