everyday trip

>> Tuesday, November 18, 2008

late na ko nagising kaso need ko pa prepare ng aking baon.so no choice i have to kase taghapit po need magtipid.so 6am na ako nakaalis sa amin buti na lang at me fx na dumating. tinanong ko pa kung la mesa dam ang daan ang sabi ng driver hindi daw, mabilis naman daw at walang traffic. so sa unahan na ako umupo katabi ang isang babae. nung nagbabayaran na sila.nagbayad na ako. mrt po , bigay ko singkwenta. di ko sinara ang aking wallet dahil alam ko na me bibigay pa sya na sukli na P5 hala eto na tandang sora na..di pa rin nagbigay... so nagmaganda ang lola mo..manong sukli po ng p50 mrt lang. sabi nya 50 duon wala ng sukli. sabi nya di ka ba sumasakay ng fx. biglang tumaas ang dugo ko. sabi ko araw araw po nag f fx 45 lang po. san ka ba galing galing ka ng francisco. sa bus nga sumakay na 45 na eh dun ka pa galing.shet talaga tong driver na to parang babaeng pota..sheft talaga, sabi ko po ang sinasabi ko po eh ung fx sa atin 45 lang lagi.. hay naku naiinis ako sa driver. bakit me mga driver na gahaman kung maningil eh bumaba na naman ang gasolina, at para pa syang babae kung mag explain akala mo lalamon ng tao.hays kung di lang ako nagpigil lagot ka sa akin kaya lang pinigilan ko ang aking sarili kase pababain nya ako sa fx ng tuluyan kase me na encounter na ako na babae rin na nag reklamo pinababa ba naman ng fx. eh ayoko naman ng ganun kase sa P5 lang eh makikipag away ako. on the other side ang hirap naman sa loob ko na ganun na di ko man lang na i fully express ung aking hinaing... hays... sheft talaga... kakainis.. tapos me nakita pa ako na mga bible at mga rosary sa fx nya tsaka ung pencil holder na me nakalagay na mga verses.. sabi ko ano ba itong driver na to me paganito ganito pa eh nanloloko naman sya ng kapwa. malupit pa nyan ibinababa kame sa di tamang babaan..... kaya hinampas ko na lang ang pagsasara ng pinto para lang mailabas ung inis ko hehehhe... sana maisip nya na mali ginagawa nya. banal na aso sya santong kabayo...hmmp...
isa pang scene nung last wk na nakapila ako sa me mrt. siguro mejo napapasayad lang ung unahan ng bag ko sa kanya. nagpapa check na ung babae ng mga dala dalahan nya. sabi ba naman sa kin "ms pwede maghintay ka" sabi ko " ang taray mo ah!" malakas ko talagang sinabi sa kanya un kase wala naman akong ginagawa sa knya eh di ko rin naman sya tinutulak ... ang ganda nya ha! para magsabi ng ganun... hihirit pa sya... kaya sinabi ko pare pareho lang tayo ha! sabay walk out ko para bumili ng stored value. habang hintay ako ng train gusto ko hanapin ung babae at sabihin sa kanya na hindi ka kagandahan ha! wala akong ginagawa sayo...kaya lalo kang pumapangit eh! para ma realize nya na ang arte nya at nadadamay ung mga walng ginagawa.... hays naku bat kaya me mga ganung tao...hays....
Wala ka na lang choice kundi i bypass lahat ng yan dahil ang lahat ay depende sa pagkakataon, sa lugar na pinangyayarihan, sa mga taong naka paligid sa yo. at isa pa kung nagiging mabait ka.hehehhe hays.... need mo rin na mag voice out para ma express mo ang feelings mo kesa kimkimin mo un sa loob mo pero need mo rin pagpasensyahan... hays it depends upon the situation ika nga.... adventure talaga ang byahe koooo............layo kaseeeeeeeeeeeeee....gusto ko na mag board :-

Read more...

me ma post lang po

>> Monday, November 10, 2008

di ako late ngayon yehey.. akala ko malelate ako.. nalate kase ako ng gising 3pm ako nagising nag alarm ako ng 2:45 eh di naman ako nagising..yun pala naririnig na ni utol ung alarm ko pero sabi nya "malay ko ba na alarm un akala ko me nagtext lang,,," migrane by moonstar kase ang alarm ng aking cellphone heheheh... so nagmadali na ko.,,, sa aking paliligo ..me narinig ako... eeeeeeeeeeeeeeehhhhhhhhngg... sabi ko shet andyan na ung bus naiwan na ako badtrip so madali pa rin akong naligo... pag ka labas ko ng banyo..ehhhhhhhhnngggggg bus na naman ..naiwan na ko..." ang bagal bagal mo kase" sabi ng aking madir.. so mega ayos pa rin ako sa sarili ko..."jen lumabas ka na baka me bus na..." so ang utol lumabas.. me dumaan ngang bus..sabi ko ...YES! pero alam mo ba kung anong nangyari...bwahhhhhh di nya pinara ang bus..huhuhu... la daw sign board... bwahhhh wala talagang sign board un pero pasay un... so heto ako ..asa pa rin na me dadaan na bus... so ang mother mega pa asa sabi nya meron pa yan...so asa naman ako..lumabas ang ma dear... un meron nga... tinawag na ako...tapos kis na sa mudra..di na ko naka kiss sa 2 wits kase madali na ko..oks lang kase naka kiss naman ako kahapon ng maraming maraming kiss.... Eto kasabay ko ang bf ni utol... so la choice kundi makipag kwentuhan... kaya ang lola mo...kahit antok na antok na... sige pa rin ... no choice kundi makinig... so nagk kwento na ko...kahit antok na antok na.... DAsma na...yes malapit na sya bumaba,...makakatulog na ko... bayad na kame...sabi nya ang mahal ng pamasahe noh... parang kulang ung sukli nya,... sabi ko 80 sa kin sa yo 50... sige sabihin natin sa konduktor... ang plastik ko noh...kahit alam ko na tama lang ang pamasahe nya... umoo pa ko... kurips talaga to..pero no choice sya baba na sya... so babye na po... although nag enjoy naman kame sa kwentuhan namin... antok na antok lang ako kaya tulog ako ng konti hanggnagn baclaran.. gising na ko kase malapit na... mrt... hays ang haba ng pila 6am pa lang... so lakad.... kukuha ako ng dyario...hala agawan wala na akong naabutan...kase ung isang lalaki eh kinuha ba naman ung madaming dyario ...parang ako hehehhe ang dami... na feel ko tuloy ung na feel ng iba pag kukuha ako ng maraming dyario... sad... so ang lesson dun..... wala lang kukuha pa rin ako ng maraming dyario ....kase un ang parang placemat namin sa office... hehehhe./... pag baba ko...bibili ako ng yakisoba... ay speaking of yakisoba kain muna ko ha...wait lang....
dito na ko... kaso la na ko maisip hays..sige bukas po ulit ..bye

Read more...

laTE ka na nAmaN!

>> Tuesday, November 4, 2008

hays late na naman ako ngayon sheft talaga oh...hehehe promise bukas i won't be late na hehehhe kase naman walang masakyan na fx sa village namin (hehhehe) tapos nung meron na dang bagal tapos sa mrt ang sikip... siguro dahil sa umpisa na naman ng pasukan...hays bukas 4am pa lang gigising na ko para ma prepare ko ang mga bagay bagay,... at eto pa ang nakapag pa dagdag ng pagka late ko..i have to buy u know personal thing in mercury ang bagal ng cashier parang gusto kong sabihin na...hey need help? sobrang bagal naunahan pa ko ng naka pila dun sa kabila..sus.... hay ang daming dahilan kung bakit nalalate ang tao check nyo kung tama hehehe:
  • napuyat ng gabi so tendency tanghali ng gising
  • nag set ng alarm sa cellphone yun pala pm ang nalagay instead of am
  • nag alarm tapos tumawad pa ng tulog un nakatulog na ng tuluyan
  • hays linis muna ko ng kwarto
  • need ko ayusin mga gamit ng wits bago umalis
  • la pa plantsado damit need ko mamlantsa
  • need pa mag luto ng baon h ays
  • walang shampoo need pa bumili sa tindahan
  • walang tubig...igib muna
  • brownout madilim sa banyo hanap muna ng kandila
  • hays walng tricycle kaya hintay pa rin
  • hays walang fx ...kanina pa hays../
  • hays walang fx makapag bus na nga lang
  • hays ang bus... hakot ng hakot ng pasahero kahit punong puno na
  • hays sobrang traffic me nagbanggaan sheft naman o
  • punong puno sa mrt di makasingit pang 6 na train ko na ah
  • pag baba mrt need pa maglakad papuntang office... ang layo
  • poor ka di ka pwedeng mag cab si susan lang ang nagca cab
  • mag time in ka muna,,,naiwan ang id di alam ung log in id
  • nagloko ung time in time out
  • nasira ung pinto need ng original na susi di pwede rf

smells family noh...

hays...pwede ba wag ka ng malate ha...hehehhe..in our dreams part na yan ng buhay ng tao...idol ko kase si susan sya si da late sui..pero im trying na di ko na sya gayahin dahil say ay masamang impluwensya...sorry sui ...hehhehe joke lang ikaw dude ha... di na ko malalate tandaan nyo yan... bago mag grace period dito na ako...ayoko na malate... kaya i want to share you this video na laging kinakanta ni jepoy pag late na kame ni sui..o kahit sino mang ma late...heheheh... kanta rin ito ng mga lalaki na maraming reason kung bakit nalalate sya sa usapan nila ng girlalush...well that' life...hehehhe...masasabi ko lang enjoy life to the fullest ok...

Read more...

halloween happenings sa earth

>> Monday, November 3, 2008

Tapos na naman ang holiday,,ang holiday na bitin,,,all saints day and all souls day...ang bilis bilis parang dumaan lang basta.pero ok lang atleast nabisita ko ung mga kaanak na yumao na. sumalangit nawa ang kaluluwa nila.... Sa aming village heheheh sa aming baranggay madami ang nangyari ng panahong ito.

I. Isa na ung namatay ung pinsan ni dadi wits na naka base sa saudi arabia.. ngunit di pa ito naiuuwi dahil sa madami pang clearances...kalungkot for the part of his family kase habang nag iiyakan sila ay di pa rin nila nakikita ung bangkay ng asawa/tatay nila. At ang latest ay aabutin pa daw ng two weeks bago maiuuwi ang bangkay nito. Hays. dati na kase sya nag pa tingin sa doktor at ang sabi na me isang ugat na once pumutok ito ay magiging sanhi ng kanyang pagkamatay... at eto na nga dumating na ung time na yun... Umalis pa kase sya kase dala na rin ng pangangailangan dahil ang kanilang anak lahat ay nasa kolehiyo pa lamang.. isa pa lang ang gumagraduate... tapos ung isang anak eh 3rd yr tapos nag shift ng course at naging 1st yr ulit..back to zero. Hays kalungkot..ayaw na sana umalis ng taong ito ngunit dahil sa anak nila ay umalis pa rin sya..sabi pa naman nya bago umalis eh dun na daw sya tumanda... at iniiwasan ng mga anak nya. parang ung" balikbayan box" na palabas hehehhe. Naisip ko tuloy ang tatay ko somehow na nasa ibang bansa din. we never know di ba..kaya ang lesson dun..habang andito pa at nabubuhay ang iyong mahal sa buhay dapat ipakita mo na na mahal mo sila at ipakita mo ung mga bagay na ikakasaya nila at n ararapat sa kanila. Dahil di natin alam kung kelan talaga tayo tinakda na kuhanin ng Diyos at tawagin ng kalawit ni kamatayan...



II. Nov. 1, 2008 araw ng mga patay... ung sa tapat na bahay namin at family friend na rin... namatay na...kalungkot..biglaan ang kanyang pagkamatay dahi sa kanyang pagtitirik ng kandila ay bigla na lamang syang natumba at lumaylay na ang kanyang kamay... dinala pa ito sa ospital ng tagaytay ngunit nirevive pa pero wala na talaga patay na sya... ito ang naging usapan sa emerald shine na binalita naman ng nanay ko..habang ka text ko ang nanay ko ay bigla na rin nagdatingan ang mga kaanak ng namatay,,makikita mo sa owner na sinasakyan nila an dun ung mga apo nya... nakakatawa ung owner jeep na sinakyan nila ang daming sakay... matatawa ka pag pinag masdan mo na bumaba dahil nagkasya dun ang halos 12 na sakay sa owner yun ha... although sad sila ay natawa ako..back to topic..kalungkot lang dahi di mo talaga alam kung kelan ka kukuhanin dahil napakasaya pa daw nila nung mga nakaraang araw at balak nila mag videoke ng nov 1. hays sa init na rin siguro ng panahon kaya na trigger at nagdulot ng pagkamatay nya..isa na rin daw reason ayon sa mga chismax na kapitbahay ay ang anak nya na sumama sa ibang boylet sa kabila ng pagkakaroon nya na maayos na pamilya. meron syang anak at nasa saudi ang kanyang asawa...pero dahil sa kantang "napakasakit kuya eddie" ni freddie aguilar yun...nanlalaki sya... me mga reason daw kaya sya nangyari sa kanya


a. ginayuma daw sya- hehehhe ito ang defense mechanism ng mga nahaharap sa ganitong sitwasyon pero somehow naniniwala ako na hindi pero sabi ni dadi wits di daw sya naniniwala sa gayuma... kase napaka maaskikayo nya sa pamilya..ulirang ina talaga.. as in... tapos naging campaign manager sya ng taong ito.. ung naging kabit nya tapos un na ginayuma daw.....sa tingin nyo ginayuma sya...?


b. tawag ng laman dahil malayo sa hubby kaya naghanap ng ibang boylet...hays tarush ang boylet kamukang devil...ewww..


c. di nakuntento sa financial na budget kaya need ng extra racket...mali nga lang naraketan nya alam mo ba na pang 50 na daw sya nitong asawa... matinik talaga ang gayuma nito... totoo nga kaya ang gayuma...
hays whatever reason na meron sya pabayaan na natin sya..kiber.... di tayo ang me katawan.... ang sad part nga lang eh tinakwil sya ng kanyang mga anak di na sya kinikilalalng mother at pag duma dalaw sya... deadma lang sya,,, kawawa kahit anong pera, grocery at mga damit ang bigay nya deadma pa rin sya....dahil galit na galit mga anak nya ( sabagay di pa siguro panahon kase fresh pa... at kung umagwat na sya dun sa kabit siguro patatawarin sya ng anak nya eh hindi eh patuloy pa rin sila) somehow nakaka awa sya noh... at sabi sya rin ata ang kinainit ng ulo ng nanay nya bago mamatay kase dumalaw ata sa puntod kasama ung kabit.. pero sabi nya humingi na nga tawag sya last 3 days kaya lang di sumagot ung nanay nya.... pag dating nya sa buro l ng nanay nya...iyak sya ng sobrang lakas.... kaya lang wala ni aninong kamag anak ang lumapit sa kanya...nag iisa sya dun sa loob ng bahay ng nanay nya habang ang mga kamag anak ay nasa labas...sad noh....
opinyon ko lang sana sa mga panahong ganun ay matutuhan na nila na patawarin ang isa't isa at mag move on na sila. ang pangit naman kung habang buhay sila mag kakakaaway. dapat na rin na ituwid na na nung babae ung kanyang kamalian...hays... at isa rin lesson na mapupulot dito..katulad ng nasabi ko..habang buhay pa ang mahal mo sa buhay ay ipakita mo ang nararapat at pagmamahal sa kanila.. at araw araw na humingi ng tawad sa Diyos.. para pag kukuhanin ka na ay at least naka hingi ka na ng tawad sa Diyos.... lesson talaga to at dapat iapply sa totoong buhay.... hays.... kalungkot kaya dapat mahalin mo ang iyong mga kaanak lalo na yung pamilya mo.. dahil we really never know kung kelan tayo kukuhanin...happy halloween ang God bless!!!


Read more...

Lorem Ipsum

Followers

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP