post ko

>> Wednesday, May 27, 2009

Matagal tagal na rin akong di nakakapag blog..nakita ko sa blog na iba na 4weeks ago na pala ako di nakakapag blog..marahil dahil sa a. busy b. tinatamad c. nakalimutan d. nag iisip para sa bday ni wits e. atbp.. hays buti na lang at ngayon ay naisipan ko mag blog..dahil natawa ako sa post ni gelai sa kanyang blog hahaha nakakatawa..nawala tuloy ung stress ko simula kaninang umaga, ewan ko ba pag gising ko eh parang malungkot ako... at nagmamadali sa pagpasok.. _:_ am na ako nakasakay kaya kesa pag tuunan ko ang traffic ay nag sounds na lang ako ng malakas sa mp3 ni dada wits... somehow na nakatulong...para sa akin ang soundtrip eh nakakatanggal ng stress... isa pa ay ang yosi pero nikalimutan ko na yan kaya soundtrip na lang ang ginagawa ko pag ako ay na sstress.... pag dating sa mrt eh _:_am na nasabayan ako ng napakadaming tao naiinis ako dahil 30 minutes na ko sa mrt eh di pa ko nakakasakay...napakapag pabagal pa sa kin ay ang laugh tap ng aking byenan na iuupdate ko hehehe...keyness kaya di ako makasingit sa pagpasok ng pintuan na pang 5 na train na..nung bumukas na ang pintuan ay binilisan ko ang pagpasok kase ung mga tao sa likod ko ay naka sandal na sa kin patulak hahahahh strategy ko un eh kainis kase pag tulak na tulak ka na heheh... pero im happy pa rin na nakarating ako sa office ng safe un na lng ung masasabi ko hehehhe...

Malapit na nga naman ang pasukan hays dapat na talaga ako umalis ng bahay ng maagang maaga lalo na at lilipat na kame ng office..ang tagal ko na rin na iniisip na mag board kaya lang naisip ko na ganun din tapos monthly pa ako may isipin na babayaran at pagkain at mahirap din sa mga gamit... kaya tyaga na lang na umuwi ako sa bundok este bulacan pala..hehehhe... hays iniisip ko na malapit ito kahit na kung susumahin ay malayo nga ang lugar na ito..naalala ko pa nung mag jowa pa lang kame ni dada wits eh sinama nya ko dun...naramdaman ko ung naramdaman ng aking kapatid nung sinama ko sya sa lugar na un. na parang walang katapusan ang byahe heheheh...mrt. bus . jeep .tricycle . sa una talaga ay malayo pero pag nasanay ka na na araw araw eh napapgawi ka dito ay parang malapit na rin...kumpara sa cavite na napaka traffic..pero love ko pa rin ung bahay na un kase me privacy din sa kwarto..hays sana magkabahay na kami para di na kame npa. si noli kase eh kung totoo sana ung advertisement nya eh di sana me rent to own na hehehhe...

Madami na ang nangyari sa mga nakaraang araw na masarap sana i blog pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi nagawa dahil sa kadamihan ng isipin sa araw araw ehehhehe...sa susunod maganda na... hays malapit na kameng lumipat ng office sana in the end eh maganda ang kahihinatnan ng lahat... mamimiss ko ang office na ito na i think na this is the best work place ive ever seen... swerte ng mag oofice dito...if only we can stay here for good....hays...sayang..there is no permanent in this world talaga..the only permanent thing is CHANGE.. kaya eto... magkakaroon na naman ng pagbabago sa ngayn..bagong office, bagong makakasalamuha...pero oks lang yan kailangan mag addopt....heheheh parang science ung sinabi ko noh..pero totoo di ba..hays...let's get it on... un na lang at sana ay maging ok ang lahat.... bye

1 comments:

Anonymous May 28, 2009 at 11:55 AM  

sadyang ganito talaga siguro ang buhay, mapaglaro...sana sa paglipat natin may magandang buhay na naghihintay....

Lorem Ipsum

Followers

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP