;-) hehehehe

>> Thursday, May 28, 2009



mga bata nga naman nakakatuwa..picture ito last november 1, 2008. nakakatuwa noh..kahit sa tabi ito ng libingan ng ng tatay 2 na bata na nasa gilid affected man sila pero parang hindi rin hehehe .. nakakatuwa dito..mga batang walang problema, walang kamalay malay, masasaya... hays sana bata na lang tayo lagi...pero hindi rin...pangit naman kung bata ka lagi katulad ni mahal at ni mura.... nakakatuwa lang sa kanila maraming tanong,,, walang pakialam kahit ano ang gawin nila, at masasaya sila at na eexpress ang kanilang nararamdaman...




si wits ang kanyang pinsan na si christian..bale mag best friend sila pero lagi rin nag aaway... naalala ko tuloy dati na narining ng nanay ko sila na nag tatalo. si wits ay mahilig sa kotse kaya lagi sya laro ng kotse at dahil na rin sa impluwensya ni nono dep nya kaya maaga syang namulat sa mga sasakyan... si christian naman ay apo ng isang mananahi na mahilig naman sa horse..kahit anong uri ng horse gusto nya... si wits ay me hawak na kotse na nabubuksan ung dun sa me makina nya..kaya ang sabi ni wits itong kotse na ito me makina to o... at agad kinontra ni christian wala yang makina... meron..... sabi ni wits.... wala sabi ni christian....sabi pa nya eh di ba ung makina eh ung nasa lola daw nya ung tinatahian ng mga damit... sabi ni wits..meron itong makina kahit itanong mo pa kay nono dep...hahahaha nakakatawa noh... kaya para matapos na ang gulo ay pinaliwanag na ng nanay ko ung uri ng makina at dun ay natapos ung kanilang usapan...pero one time eh narinig ko pa rin sila nagtatalo siguro mga 2 months ago na... at sabi pa rin ni christian ay walang makina...hay terible hehhehe....


marami pa silang mga pagtatalo na ganyan na kung iisipin mo ay nakakatawa talaga...buti na lang at matalino si wits at madami syang alam hehhehe... natutuwa talaga ako sa anak ko na yan kase marami syang sinasabi na magugulat ka na lang...i remember one time na nag uusap kame mag pipinsan sabi namin sige inom tayo hehehhe pero lokohan lang at sinabi namin na wag na lang ituloy... alam mo ba ang sabi ni wits... mama dapat iinom ka lagi para masarap ang tulog mo para himbing tulog mo bwahahahaha akalain mo me anak pala akong konsintidor hays....sana hanggang pag laki nya ganyan sya hehehhe... one time pa pinaliliguan ko sya...sabi ko nosh kayo na lang dalawa baby ko ni emem ha... tapos di pa ko tapos mag salita sabi ba naman nya wag ka na nga magsabi ng ganyan.. baka magkaroon pa..hehahhahha.... tapos sya rin lagi ang nakapag pa remind sa kin na need ko na talaga mag diet... kase lagi nya kong sinasabihan na tinatagong taba? mag leson ka.... ( lesso fat po yan) hehehhe... sabi pa nya sa tyan ko ...mama me baby ka pa siguro sa tyan andyan ba ang kakambal ni emem? nung isang araw naman tinanong nya sa kin...mama nandyan ba diaper ni emem? bwahhhhhhhhhhhhhhhhh afraid needs for improvement na talaga...hays wits..sana lagi ka ganyan mag isip..pag laki mo kaya ganyan ka pa rin? di mo kaya ako sagot sagutin..hays sana naman hindi at lumaki syang mabait... i love you wits...

hays last day na ata namin sa office na ito...hays kalungkot pero kailangan na talaga dapat i embrace na namin ung change na mangyayari sa amin... at maging result nito ay maging better kame...hays kalungkot ung flash drive na virusan kamusta naman ung mga back up ko..kalungkot talaga... mamimiss ko tong ub plaza..hays kaya mamaya mag pi picturan kame..... post ko dito soon...see yaH!

Read more...

post ko

>> Wednesday, May 27, 2009

Matagal tagal na rin akong di nakakapag blog..nakita ko sa blog na iba na 4weeks ago na pala ako di nakakapag blog..marahil dahil sa a. busy b. tinatamad c. nakalimutan d. nag iisip para sa bday ni wits e. atbp.. hays buti na lang at ngayon ay naisipan ko mag blog..dahil natawa ako sa post ni gelai sa kanyang blog hahaha nakakatawa..nawala tuloy ung stress ko simula kaninang umaga, ewan ko ba pag gising ko eh parang malungkot ako... at nagmamadali sa pagpasok.. _:_ am na ako nakasakay kaya kesa pag tuunan ko ang traffic ay nag sounds na lang ako ng malakas sa mp3 ni dada wits... somehow na nakatulong...para sa akin ang soundtrip eh nakakatanggal ng stress... isa pa ay ang yosi pero nikalimutan ko na yan kaya soundtrip na lang ang ginagawa ko pag ako ay na sstress.... pag dating sa mrt eh _:_am na nasabayan ako ng napakadaming tao naiinis ako dahil 30 minutes na ko sa mrt eh di pa ko nakakasakay...napakapag pabagal pa sa kin ay ang laugh tap ng aking byenan na iuupdate ko hehehe...keyness kaya di ako makasingit sa pagpasok ng pintuan na pang 5 na train na..nung bumukas na ang pintuan ay binilisan ko ang pagpasok kase ung mga tao sa likod ko ay naka sandal na sa kin patulak hahahahh strategy ko un eh kainis kase pag tulak na tulak ka na heheh... pero im happy pa rin na nakarating ako sa office ng safe un na lng ung masasabi ko hehehhe...

Malapit na nga naman ang pasukan hays dapat na talaga ako umalis ng bahay ng maagang maaga lalo na at lilipat na kame ng office..ang tagal ko na rin na iniisip na mag board kaya lang naisip ko na ganun din tapos monthly pa ako may isipin na babayaran at pagkain at mahirap din sa mga gamit... kaya tyaga na lang na umuwi ako sa bundok este bulacan pala..hehehhe... hays iniisip ko na malapit ito kahit na kung susumahin ay malayo nga ang lugar na ito..naalala ko pa nung mag jowa pa lang kame ni dada wits eh sinama nya ko dun...naramdaman ko ung naramdaman ng aking kapatid nung sinama ko sya sa lugar na un. na parang walang katapusan ang byahe heheheh...mrt. bus . jeep .tricycle . sa una talaga ay malayo pero pag nasanay ka na na araw araw eh napapgawi ka dito ay parang malapit na rin...kumpara sa cavite na napaka traffic..pero love ko pa rin ung bahay na un kase me privacy din sa kwarto..hays sana magkabahay na kami para di na kame npa. si noli kase eh kung totoo sana ung advertisement nya eh di sana me rent to own na hehehhe...

Madami na ang nangyari sa mga nakaraang araw na masarap sana i blog pero sa di inaasahang pangyayari ay hindi nagawa dahil sa kadamihan ng isipin sa araw araw ehehhehe...sa susunod maganda na... hays malapit na kameng lumipat ng office sana in the end eh maganda ang kahihinatnan ng lahat... mamimiss ko ang office na ito na i think na this is the best work place ive ever seen... swerte ng mag oofice dito...if only we can stay here for good....hays...sayang..there is no permanent in this world talaga..the only permanent thing is CHANGE.. kaya eto... magkakaroon na naman ng pagbabago sa ngayn..bagong office, bagong makakasalamuha...pero oks lang yan kailangan mag addopt....heheheh parang science ung sinabi ko noh..pero totoo di ba..hays...let's get it on... un na lang at sana ay maging ok ang lahat.... bye

Read more...

Lorem Ipsum

Followers

  © Blogger templates Shiny by Ourblogtemplates.com 2008

Back to TOP